4 na Telcos mula sa ibang bansa, gustong pumasok sa Pinas
Ang China Telecom, Australia's Telstra, Japan, Korea at United States ay ang mga bansang gustong sumali sa bidding na gaganap sa susunod na taon para maging parte ng third telecommunication player upang kompetensyahan ang PLDT Inc. at Globe Telecoms Inc.
Ayon kay Officer-in-charge secretary of the Department of Information and Communication Technology Eliseo Rio, ang banyagang kompanya ay kailangan makipagkasundo sa lokal na telecom company upang makamit ang 60 -40 foreign ownership limit.
Ang third player ay kailangan din mag invest ng $2.7 billion upang madagdagan ang mga infrastraktura sa buong bansa para lumawak pa ang network.
Samantala, narito naman ang mga ilan sa mga lokal na kompanya na pwedeng maging kapartner ng mga banyagang telecom companies. Ito ang technology firm: Now Corp, Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T) at Converge ICT Solutions.
Natuwa naman ang mga netizens dahil sa magandang balita na maari ng mapabilis ang internet sa bansa. Basahin ang ilan sa kanilang komento.
from NowReader http://ift.tt/2lmAOoL
via IFTTT
Maharlikano