Lumad Lider, kinaladkad at pinatay ng NPA sa harap ng publiko
Ayon sa ulat, ang pangyayari ay nasaksihan ng kanyang bayaw kung saan brutal na pinatay ang biktima sa mismong harap ng kanyang mga kasapi.
Kinilala ang lumad leader na si Datu Benandao Maugan, 59 taong gulang na naninirahan sa Sitio Luno-luno, Barangay Gupitan, Kapalong.
Ang mga NPA ay pinangunahan naman ni Renard Catarata o mas kilala bilang alias SM or Tata at Rene Catarata o alias Gilbert.
Sa nasabing ulat, inutusan umano sila ng mga teroristang NPA na magtipon sa gitna ng nayon. Kung saan din kinumpiska ang kanilang mga itak.
Umalis na rin ang mga NPA matapos ang pamamaril at nagbabala sa mga nais pa na kumontra sa kanila. Pagkakuha umano ng kanyang mga kasamahan sa kanyang katawan ay nakita nila na may siyam na tama ito ng bala.
Sa kasalukuyan, kakasuhan naman ng mga pulis ang mga NPA. Nagbigay na rin ng tulong sa pamilyang naiwan si Mayor Maria Theresa Timbol.
Ang mga NPA ay inakusahan si Maugan na isang korap at matigas ang ulo na pinuno.
Sa ulat ng Rappler, nakagitgitan na umano ni Maugan ang mga NPA at inakusahan rin siya na nangharang sa kanilang supplies ng pagkain. May mga pagkakataon rin na pinipigilan rin ni Maugan ang ka nayon na magpagamit sa mga NPA.
Nakipagtulungan rin si Maugan kamakailan lang sa gobyerno upang makapagtayo ng skwelahan sa Kapalong.
Source: Rappler
Source: Rappler
from NowReader http://ift.tt/2CP76iL
via IFTTT
Maharlikano