Matandang taxi driver nagsampa ng reklamo laban babaeng nanapak sa kanya

Adse Here

Adse Here


Ang driver ay kinilalang si Virgilio Doctor, 52 taong gulang. Siya ang driver na makikita sa video kung saan sinugod at pinagsalitaan ng masasama ng babae.

Si Mang Virgilio ay pumunta sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang ireklamo ang babaeng driver.

Kasong physical injury and damage to property ang isasampa ni Virgilio Doctor sa babae.
Ang insidente ay nangyari sa Congressional Avenue, Quezon City, Linggo ng umaga. Ayon kay Virgilio, marahil nagalit ang babaeng driver, na si Cherish Sharmaine Interior sa kanya dahil sa pagbusina at pag-overtake niya.

Paliwanag niya nagawa umano niya iyon dahil may FX ding bumubusina rin sa kanyang likuran.
Saad niya, "Nagso-sorry na ako dahil talagang ayaw ko ng gulo. Nagpakumbaba na lang ako. Sabi ko, 'sorry po. Di po sinasadya, 'yung pangyayari. Sorry po."

Dagdag pa niya, dahil sa sampal na kanyang natanggap mula dito ay nakaramdam siya ng pagkahilo at tumaas na pala ang presyon niya.

"Kaya ako lumabas ng awto, akala ko maha-heart attack ako. Buti na lang hindi natuloy," aniya na dati na rin pala siyang na stroke.

Sa kabilang banda, sa pahayag naman ng pasahero ng taxi na si Luzel Pasaylo, sinabing niyang nagulat siya sa ginawa ng mag-asawa. Takot naman ang kanyang naramdaman nang mismong babae pa ang nanghampas ng golf club sa taxi.

Noong una, akala umano ni Pasaylo na aawatin ng babae ang kanyang asawa ngunit ito pa pala mismo ang  nagwala.

"Nagulat ako, bigla, may sumuntok na sa window. Nung masuntok, sinisipa na tapos pinapalapabas yung taxi driver. Tapos minumura na nung lalaki. Ako, that time, na-shock at natakot na rin ako," aniya.

"Lumabas naman ng kotse 'yung girl -- kasi siya yung nagda-drive. Akala ko aawatin niya 'yung husband niya. Nagulat po ako kumuha, siya sa compartment ng golf club. Hinampas niya po 'yung taxi nang dalawang beses. Ako mismo sa loob ninerbiyos," dagdag niya.

Samantala, hinahanap na ng mga awtoridad ang bababeng driver na nanampal.

Ang video naman na kuha ni Joshua Baluyot ay umabot na sa 234,917 Shares at 11 million views.

Ang mga komento naman ng mga netizen ay napuno ng pagsang-ayon at galit sa babae. Anila ay nararapat lamang na ikansela ang lisensya nito at pagbayarin sa kanyang ginawang panghaharass sa matandang driver.  Basahin ang ilan sa kanilang komento.









from NowReader http://ift.tt/2kHW2fF
via IFTTT
Adse Here

No comments

Powered by Blogger.