Mas maraming naniniwala na mas maganda ang pamumuno ni Duterte kesa kay Pnoy - SWS
Batay sa panibagong survey ngayong 2018, 70 percent ang naniniwala na mas maayos ang pamumuno ni Pangulong Duterte kumpara kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sa nasabing survey, lumabas na 22 percent ang nagsasabi na naniniwala sila kay Pangulong Duterte, habang 8 percent naman kay dating Pangulong Aquino.
Ang survey ay isinigawa noong December 8 hanggang 16, 2017, kung saan tinanong ang mga respondent na “Kung ikukumpara ang pagganap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tungkulin mula July 2016 sa pagkaganap ni dating Pangulong Aquino mula July 2010 hanggang July 2016, masasabi n’yo ba na si PRRD is better, the same, PNoy is better?”
Gayunpaman, si Aquino ay nakakuha ng mataas na approval mula sa mga respondent sa Metro Manila na nasa 10 percent.
Samantala, si Duterte ay nagkamit ng pinakamataas na approval sa Metro Manila na 73 percent.
Ayon sa SWS, 69 percent ng mga Pilipino ay naniniwala sa pamahalaang Duterte at ang mga nagawang hakbang ni Duterte ay angkop sa kanyang posisyon.
Source: Radyo.inquirer
from NowReader http://ift.tt/2EmcLgW
via IFTTT
Maharlikano